ugh.

Ang weird ng panaginip ko kagabi. Grabe, as in. I can’t remember kung ano talaga yung exact na nangyari pero sobrang weird nya. Here it goes..

I was with my friends daw sa isang malaking bahay (or more like Haunted House). Tapos meron daw nanghahabol samin. Hindi ko maalala kung ano yun, pero lahat kami nagtatakbuhan. Pero within the house lang, hindi kami lumabas ng gate kasi nga ang laki diba nung bahay. Tapos tumatakbo na kami, ayun. After ilang minutes, pagod na pagod nako. Tapos yung nanghahabol, malapit na. Then yung ex ko, kinuha nya yung kamay ko. Pero bumitaw ako. Ang tanga ko :)) Kasi nga ang paniniwala ko, hindi ko na siya mahal. Pero para akong sinampal kasi pinakawalan ko siya. Eh samantalang yun yung pinakahihintay kong mangyari. Pero pinilit nya ko so tumakbo na kami. Then nakahanap na kami ng safe place. Parang foodcourt yung set up nya. May tables and chairs, pero kami kami lang ang tao. Then sinabi ko yun sa mga bff ko, tapos kinilig sila (syempre!). Hahaha. Hindi ko na maalala kung nakipagbalikan sya sakin (or ako sakanya) sa end ng panaginip ko. Pero pag gising ko, damang dama ko yung magic ng paghawak nya sa kamay ko. Kahit pa panaginip lang yun. 

Bakit kaya ganun yung napanaginipan ko? Dahil ba hindi pa talaga ako nakaka move on? Ano ba talagang ibig sabihin ng panaginip? Pwedeng mangyari o exact opposite sa totoong buhay? Grabe, sabi ko sa sarili ko hindi ko na siya mahal. Pero ano to? Sabi nila napapaniginipan mo daw ang isang tao kasi iniisip mo siya bago ka matulog. Tapos pag gising ko, nakahiga parin ako at naalala ko lahat ng masasayang araw namin. Tapos nakangiti ako, parang tanga lang. Share~

Apr 22. 1 Notes.